Friday, February 3, 2012

Para sa Iyo

Siguro sa tanang buhay ko, ang buwan ng Enero ngayong tanon ng blue dragon na ang pinakamalungkot sa lahat, kabaliktaran ata ang sinasabi ng mga biyuinn sa kung anong nangyayari sa buhay ko ngayon.


Minsan, naiisip ko, masama ba akong tao? bakit parang ang unfair unfair ng mundo para sa akin? masama ba akong kaibigan? bakit nila ako pingatatwanan?? ganun na ba ako kapangit? mahirap ba akong mahalin?? bobo ba ako??  ang daming tanong ang naglalrosa isip ko na hanggang ngayon sana ay masagot ko.. sana... sana...


Isan lamang akong babae, normal, nagmamahal... mahal ko sya, oo mahal na mahal ko siya. mahl ko sya ng higit pa kanino... kung mali man yun... wala akong pakialam. mahal ko sya dahil hindi ko alam, marahil dahil pinaramdam nys sa aking espesyal ako, dahil tinannggap nya ako kung sino ako bagamat minsan naiisip kong ginagamit lamang nya ako... mahal ko parin sya. 


Sa loob ng isang taon at mahigit.. wala akong ibang minahal kundi sya lamang....oo inaamin ko ako'y nagkasala, naduwag, natukso ng minsan...pero nanaig ang katotohanang mahal ko sya. Ang bawat hinga at pagmulat ng aking mata, sya ang nagdudugtong ng mga ito sa tala.. sya ang nagbibigay saliw sa musika ng aking buhay. Sa bawat daloy ng luha sa aking mga mat, pag asa at panalangin ko parin ay ang makapiling sya. 


Ngayon, hindi ko alam kung paano sisimulang mabuhay ng di na sya kasama sa mga bagay na nakagisnan ko habang ako'y naririto. Hindi ko lubos maisip na ang bagy na kinatatakutan ko ang dumating na.. oo alam kong darating to, akala ko nga sa pagsapit ng araw na yun kaya ko na.. hindi pala. Ang sakit. Sakit na halos hindi ko maipaliwanag, puso ko ay parang tinutusok ng paulit ulit, ng paunti-unti...ako'y nadudurog. 


Ang mga tinta ng plumang sana ay pansulat, minsan ko ng naisipang inumin.. sapagkat ako'y takot mag isa, takot mabuhay na wala ka na subalit wala akong magagawa. 


Hindi ko lang lubos maintindihan kung bakit kailangan humantong tayo sa ganito.., kung bakit kailangan mo akong saktan at iwan. lagi mong sinasabi, " di naman kita iiwan, andito lang naman ako... yun lang di na gaya ng dati ". sa pawat letrang binabasa ng mga mata, luha lamang ang tugon.. pagkat di ko mapagtanato.. ano nga ba nag pagkukulang ko. 




Binigay ko ang lahat kung pagmamahal lamang ang hanap mo, lahat ng pag intindi ay ginawa ko I would always label myself as " pinakamasunuring girlfriend" not necessarily, ginawa ko lahat ng gudto mo but pinilit kong sundin lahat ng rules na binigay mo.. kahit nassaktan ako nakikita at narririnig kong kasama mo sya, ano mang protestang gawin ko wala akong magwa.. minsan naiisip ko, gusto mo lang yata akong patayin... 


Paano nga ba talga ang magmahal? mali ba na minahal kita ng totoo? mali ba na umasa akong mahal mo din ako? ang tanging nais ko lang naman ay ang lumigaya... ngunit paano kung ang kaligayahan ko ay kulungan para sa iyo? Kung ikaw? gagwin mo din ba ang ginawa ko?? 


Sa bawat gabi, lagi ko iniisip, sino kaya kausap mo? kung dati sa akin ka tumatawag at nag googoodnight, sino na kaya ngayon?? at habang iniisip ko yun... para akong mababaliw... parang gusto kong maglaho, gusto kong mawala sa mundo.. I miss it when you end your message with lablab♥ ngayon, hangang mga save messages na lamang ako. ang sakit ang sakit sakit... at patuloy pa sa pag agos ang luha sa aking mga mata.  


Maraming bagay ang ninais kong mangyari para sa atin, mga planong kailan man ay di na matutupad. I know am pathetic, I even plan somethin for our seconds anniversary.. hindi naman pala mangyayri yun, mag isa na naman pala ako. 


Sabi mo, pagod ka na..oo inaamin ko napapagod din naman ako, na lagi nalang ako yung magpapsensya, ako yung laging magpapakumbaba pero sa bawat sakit na nararamdaman ko, makita ka lang na masaya masaya narin ang araw ko. 


Sa ating paglalakbay, makakita kaman ng mbagong pagibig.. sana'y manatili ang pagkakaibigang ating pinagsimulan... at sana sa kahit ganoong paraan , sakit na nadulot ng iyong paglisan ay maibsan.  Iwanana ka man ng lahat ako'y mananatiling maghihintay sa iyong pagbabalik...  


Ngayon, heto ako... mag isa nanganagarp na sana ay dumating ang araw na ako namna ang mahalin, ako naman ang ipaglalaban, ipagmalaik at iiyakan.. Gusto ko ding maramdaman ang mahalin ng di ko kailangang magmakaawa.. Alam ko mahirap yun.. at pinapangarap ko paring ikaw yun beybi ko.. hindi man ngayon, o bukas,.. ako man ay maghihintay ng matagal... gagawin ko. I will love you and I will always will... 

1 comment:

Hi!

you have a very nice blog.. love those pictures... take care.. xoxo